Unang Termino: Mabisang Komunikasyon sa Kontekstong Interpersonal
Pagbibigay-kahulugan sa mga tekstong pasalita, pasulat, at multimodal at kung paano ito hinuhubog ng awdyens, layon, konteksto, mga pagpapahalaga, at mga pamantayang panlipunan
Learning competency
Natutukoy kung paano ginagamit nang may layunin ang wika at tono sa pagtalakay ng iba’t ibang personal at interpersonal na paksa.
Learning competency
Nahihinuha ang mga pangunahing ideya mula sa mga tekstong pasalita, pasulat, at multimodal
Learning competency
Nasusuri ang nilalaman at layunin ng personal at interpersonal na komunikasyon, gaya ng pag-uusap at korespondensiya
Learning competency
Naipaliliwanag ang mga nakapaloob na saloobin, paniniwala, o pananaw sa mga paksang sosyal at kultural sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon
Learning competency
Nagagamit ang iba't ibang estratehiya sa kritikal na pakikinig, pagbasa, at panonood, kabilang ang kamalayang kultural at sensibilidad upang bigyang-kahulugan ang iba't ibang anyo ng panitikan, midya, at komunikasyong dihital
Learning competency
Nahihinuha ang pangunahing mensahe, ipinahihiwatig na kahulugan, at pagkiling o bias sa mga komunikasyong pampubliko, sibiko, o kultural
Mabisang pakikilahok sa interaktibong komunikasyon gamit ang angkop na berbal at di-berbal na mga estratehiya
Learning competency
Nakagagamit ng angkop na wika, tono, at estruktura ayon sa awdyens, layon at konteksto sa pagtalakay ng iba’t ibang personal at interpersonal na paksa
Learning competency
Nakagagamit ng magagalang na pananalita at mga estratehiya sa pagpapadaloy ng usapan
Learning competency
Nakagagamit ng angkop na di-berbal na mga estratehiya upang mapahusay ang kalidad ng komunikasyong personal at interpersonal
Learning competency
Nakagagamit ng angkop na berbal at di-berbal na mga estratehiya upang mabisang makipag-ugnayan tungkol sa iba’t ibang kontekstong sosyal at kultural
Learning competency
Naipakikita ang sensibilidad sa mga panlipunang gampanin, pangkatang dinamika at kultural na pagkakakilanlan sa mga interaksyong face-to-face at online
Malinaw at maayos na pagpapahayag ng mga ideya sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal para sa tiyak na layon, awdyens, at konteksto
Learning competency
Nakabubuo ng maayos na personal at interpersonal na komunikasyon na nagpapakita ng malinaw na layunin at pag-unawa sa awdyens
Learning competency
Nakalalahok sa komunikasyong intrapersonal upang mapagnilayan ang mga natutuhan at karanasan, makapagtakda ng layunin, at makagawa ng online na presensiya habang pinoprotektahan ang mga pribadong datos
Learning competency
Nakagagamit ng angkop at mabisang wika at estruktura sa iba't ibang layunin
Learning competency
Nakabubuo ng mga tekstong public-facing na nagsusulong ng pagiging ingklusibo, pagkakapantay-pantay, o kamalayang panlipunan
Learning competency
Nakabubuo ng mga mapanuring rebyu ng mga tekstong may kabuluhang kultural
Learning competency
Nakabubuo ng magkakaugnay na argumento o naratibong sumasalamin sa pag-unawa sa panlipunang pananagutan, pagkakaiba-iba, at mga kaugalian
Pagninilay sa mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa personal, interpersonal, sosyal, at kultural na komunikasyon
Learning competency
Naipaliliwanag ang mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa mga personal, interpersonal, sosyal, at kultural na konteksto na nagpapamalas ng kamalayan sa kanilang layunin.
Learning competency
Nakasusuri ng sariling pakikilahok sa komunikasyong personal, interpersonal, sosyal, at kultural na may pagtukoy sa mga kalakasan at mga aspektong nangangailangan pa ng paglinang upang mapaunlad ang kakayahang komunikatibo.
Learning competency
Naipaliliwanag kung paano nakaaapekto ang kamalayang kultural at sensibilidad sa mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa iba’t ibang kontekstong panlipunan
Ikalawang Termino: Mabisang Komunikasyon sa Kontekstong Akademiko at Pagsasanay
Pagbibigay-kahulugan sa mga akademiko at teknikal na tekstong pasalita, pasulat, at multimodal at kung paano ito hinuhubog ng awdyens, layon, at konteksto
Learning competency
Natutukoy kung paanong ang nilalaman, estruktura, at wika ng mga pasalita, pasulat, o multimodal na tekstong akademiko at teknikal ay hinuhubog ng awdyens, layon, at konteksto
Learning competency
Nagagamit ang iba't ibang estratehiya sa kritikal na pakikinig, pagbasa, at panonood upang maunawaan ang mga tekstong akademiko at teknikal
Learning competency
Nabibigyang-kahulugan ang datos na nakalarawan sa mga multimodal na anyo (halimbawa: tsart, talahanayan, pigura, atbp.)
Learning competency
Nagagamit ang angkop na mga estratehiya sa pag-unawa ng mga salitang di-pamilyar, kabilang na ang espesyalisadong termino
Mabisang pakikilahok sa interaktibong komunikasyon sa kontekstong akademiko at pampagsasanay
Learning competency
Nakagagamit ng angkop na wika, tono, at estruktura ayon sa awdyens, layon at konteksto sa pagtalakay ng iba’t ibang paksang akademiko at teknikal
Learning competency
Nakasusunod sa mga pamamaraan, panuto, o proseso sa anyong pasalita, pasulat, o multimodal (hal. pigura, dayagram, tsart, atbp.) upang matagumpay na maisakatuparan ang layunin o matamo ang inaasahang resulta
Learning competency
Nakikilahok nang may kabuluhan sa mga akademiko o teknikal na lektura, presentasyon, o diskusyon sa pamamagitan ngpagtatanong, pagbibigay ng puna o mungkahi, at angkop na pagtugon
Learning competency
Nakikibahagi sa kolaboratibong gawaing akademiko at teknikal (halimbawa: panukalang proyekto, teknikal na ulat, lektura, manwal, atbp.) upang magamit ang kaalaman at kakayahan ng bawat isa at makamit ang kolektibong layunin
Malinaw at maayos na pagpapahayag ng mga idea sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal para sa tiyak na layon, awdyens, at konteksto
Learning competency
Nakabubuo ng maayos na tekstong akademiko at teknikal na nagpapamalas ng kamalayan at pagsasaalang-alang sa awdyens at layon (halimbawa: presentasyong may visual aid, sanaysay, ulat sa pananaliksik at pagsusuri, atbp.)
Learning competency
Naipaliliwanag ang mga konsepto gamit ang angkop na bokabularyo at wikang akademiko at teknikal at representasyong multimodal (halimbawa: dayagram, grap, tsart, infographic, atbp.)
Learning competency
Nakagagawa ng dayagram, tsart, balangkas, buod, sinopsis, o paraphrase mula sa mga tekstong pasalita, pasulat, o multimodal
Learning competency
Nakagagamit ng mga etikal na pamantayan (hal. wastong pagsipi, deklarasyon ng paggamit ng AI, pag-iwas sa plagiarism, atbp.) sa pagbuo ng mas mahahabang akademiko at teknikal na tekstong pasalita, pasulat at multimodal
Mabisang pakikilahok sa interaktibong komunikasyon sa kontekstong akademiko at pampagsasanay
Learning competency
Naipaliliwanag ang mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa mga kontekstong akademiko at pampagsasanay na nagpapamalas ng kamalayan sa kanilang layunin
Learning competency
Nakasusuri ng sariling pakikilahok sa kontekstong akademiko at pampagsasanay na may pagtukoy sa mga kalakasan at mga aspektong nangangailangan ng paglinang upang mapaunlad ang pagganap at mahubog ang panghabambuhay na pagkatuto

